ANG TUNAY NA KAPAYAPAAN AY…

Ang walang katulad na mga terorismong atake ng Hamas noong Oktubre 7, 2023 ay nagdulot ng di-maguniguning trauma sa Israelis at Palestinians.

ANG TUNAY NA KAPAYAPAAN AY MAY PAGKAKAISA

Dito sa Canada, ito’y nagdulot ng naiibang alitan: isang digmaan gamit ang mga salita. Ng mga paratang. Ng maling impormasyon. Ng mga pagbabanta. Pati na ripple effect na mga papanakot at karahasan. Hindi ito mabuting pundasyon para sa tunay na kapayapaan.

Ang antisemitism ay nangyayari dito

A man at a rally shouts while holding up a partially burned Israeli flag.

ANG TUNAY NA KAPAYAPAAN AY LUMALABAN SA KASUKLAMAN

Ang daan patungo sa kapayapaan ay nagsisimula sa bawat isa sa atin: pagkilos sa mga paraan para magkaisa sa halip na magkahiwalay, pagbigay-diin sa pag-unawa sa halip na magsigawan, pakikinig at pakikipagkominika nang may pagkahabag at respeto.

A girl at a rally stands beside some Israeli flags holding a white sign with black handwritten text that reads "Love & compassion! Not violence & fear." (Image: John Woods/Winnipeg Free Press)

ANG TUNAY NA KAPAYAPAAN AY MAHABAGIN

Nais naming magtulungan ang Canadians para magkaroon ng tunay na kapayapaan. Ang trabahong iyon ay nagsisimula sa tahanan; siguraduhin natin na ang kapwa Jewish at Muslim Canadians ay ligtas at malaya sa kasuklaman, karahasan, at pananakot.

ANG TUNAY NA KAPAYAPAAN AY MALAYA SA TAKOT

A concerned young man at a rally holds both Israel and Palestine flags. (Image: Jack Guez/AFP via Getty Images)

Naniniwala kami na ang edukasyon ay ang tunay na pundasyon para magkaunawaan. Iniimbita namin ang lahat na mag-isip nang malalim at hindi gumawa ng mga mabilis na pagpapasiya.

Makakuha ng karagdagang impormasyon

ANG TUNAY NA KAPAYAPAAN AY MAY KAALAMAN

A group of people look at their smartphone screens.

ANTISEMITISM:

ANG MGA KATOTOHANAN

ANO BA ANG ANTISEMITISEM?

Ang Antisemitism ay isang takdang pananaw sa mga Hudyo, na maaaring ipahayag bilang kasuklaman sa mga Hudyo. Ang retorika at pisikal na pagpapakita ng antisemitism ay nakatuon sa mga Hudyong indibidwal o mga hindi Hudyong indibidwal at/o sa kanilang mga pag-aari, sa mga institusyon sa komunidad at sa mga relihiyosong pasilidad ng mga Hudyo.

A Jewish youth hides their Star of David necklace beneath their sweatshirt collar. (image: Wryn Duepre)

ANG MGA HUDYO AY SIYANG NANANATILING PANGUNAHING TINA-TARGET NA RELIHIYOSONG GRUPO PARA SA HATE CRIMES SA CANADA.*

*Statistics Canada

ANG ANTISEMITISM AY NANGYAYARI DITO

  • Kinakatawan ng komunidad ng mga Hudyo ang 67% porsyento ng lahat ng kasuklaman na motibado ng relihiyon sa buong bansa.

  • Bagama’t ito’y 1% lamang ng populasyon ng Canada, 14% ng lahat ng mga inireport na hate crimes (mga krimen ng kasuklaman) ay naka-target sa komunidad ng mga Hudyo.

  • Inireportng Vancouver Police Department (VPD) na ang komunidad ng mga Hudyo sa Vancouver ay nakaranas ng karagdagang 62% na mga insidente ng antisemitic hate na inireport sa pulis noong 2023 kumpara sa noong 2022. 

  • Sa 47 mga insidente ng anti-Semitic hate na inireport sa VPD noong 2023, 33 ang nangyari pagkatapos ng Oktubre 7.

  • Ang VPD ay nag-imbestiga ng 50 na mga kriminal na pagkakasala na may kinnalaman sa pag-atake ng mga terorista noong Oktubre 7 at kasunod na labanan.

We read the word "security" on the back of a guard standing outside a Jewish school. (Image: Marc Volk/Getty Images/fStop)

MGA HALIMBAWA NG ANTISEMITISM

Ang antisemitism ay ang pananawagan, pagtulong, o pangangatwiran sa pagpatay o pananakit sa mga Hudyo sa ngalan ng isang radikal na ideolohiya o isang extremist na pananaw sa relihiyon.

Ang antisemitism ay ang gumawa ng sinungaling, hindi makatao, o stereotypical na mga paratang tungkol sa mga Hudyo o sa kapangyarihan ng mga Hudyo bilang kolektibo — halimbawa lalo na pero hindi eksklusibo — ang gawa-gawa tungkol sa isang world Jewish conspiracy (pagsasabwatan ng mga Hudyo sa mundo) o sa pagkontrola ng mga Hudyo sa media, ekonomiya, pamahalaan, o iba pang mga institusyon sa lipunan.

Inaakusa ng antisemitism ang mga Hudyo bilang mga táong dapat managot para sa tunay o inaakalang kamalian na ginawa ng iisang táong Hudyo o grupo, o kahit na para sa mga kilos na ginawa ng mga táong hindi Hudyo.

Ang antisemitism ay ang pagtanggi sa katotohanan, scope, mga mekanismo (hal., gas chambers) o sa intensyon ng genocide (pagpatay ng lahi) ng mga Hudyo sa kamay ng National Socialist Germany at ng mga taga-suporta at mga kasabwat nito noong Digmaang Pandaigdig II (ang Holocaust).

Inaakusa ng antisemitism ang mga Hudyo bilang mga tao, o ang Israel bilang isang bansa, ng pag-imbento o pag-exaggerate (pagpapalabis) sa Holocaust.

Inaakusa ng antisemitism ang mga Hudyong mamamayan ng pagiging mas tapat sa Israel, o sa mga sinasabing priyoridad ng mga Hudyo sa buong mundo, kaysa sa interes ng kanilang mga sariling bansa.

Tinatanggihan ng antisemitism ang mga Hudyo ng kanilang karapatang magpasiya para sa sarili, hal., sa pamamagitan ng pagsabi na ang pag-iral ng Bansa ng Israel ay isang racist na pagsisikap.

Ang antisemitism ay nag-aaplay ng double standards sa pamamagitan ng pag-utos ng kilos na hindi inaasahan o hindi pinipilit na hingin mula sa anumang ibang demokratikong bansa.

Ang antisemitism ay ang paggamit ng mga simbolo at mga imahen na may kinalaman sa klasikong antisemitism (hal., sinasabing ang mga Hudyo ang siyang pumatay kay Hesus o blood libel) para ilarawan ang Israel o mga Israeli.

Ang antisemitism ay ang pagkukumpara sa kasalukuyang patakaran ng Israel sa patakaran ng mga Nazi.

Ang antisemitism ay ang pagpapanagot sa lahat ng mga Hudyo para sa mga kilos ng bansa ng Israel.

BIGYANG-WAKAS ANG
MALING IMPORMASYON

A woman's hands holding a phone and  scrolling social media with and overlay of like, comment, and request bubbles floating up from the device.

ITIGIL ANG MALING IMPORMASYON ONLINE

ALAMIN ANG IYONG SARILING SOCIAL MEDIA FEED

Ang social media platforms ay naghahatid ng impormasyon batay sa kung ano ang hindi mo babasahin, kung saan ka lumalahok, at kung ano ang iyong ipinapasa sa iba. Tinatarget tayo ng maling impormasyon batay sa mga kilos na ito, at kung ano ang pagpapasiyahan ng algorithm na dapat mong makita.

MAGING KRITIKAL SA MGA PINANGGAGALINGAN NG IYONG IMPORMASYON.

Isipin kung ang impormasyon na iyong binabasa ay napapanahon at wasto. Ito ba ay galing sa isang mapapagkatiwalaang source? Maghanap ng mga mapapagkatiwalaang sources ng impormasyon na nag-aalok ng mga pananaw na naiiba sa iyong pananaw, at mapapansin mo na ang impormasyon ay organic na lumilitaw sa iyong social media feeds at news feeds.

PAG-ISIPAN MUNA BAGO MO I-SHARE.

Kung sa palagay mo’y ang isang post ay masyadong sensational o grabe para maging katotohanan, malamang na tama ka. Kapag hindi ka nag-share sa ganito, itinitigil mo ang pagpasa sa iba ng maling impormasyon.

ANO ANG MAAARI MONG MARINIG. AT KUNG BAKIT ITO PROBLEMA.

  • ANO ANG MAAARI MONG MARINIG: DAPAT MAG-CEASEFIRE NA

    Bakit ito isang problema: Ang mga salitang “Dapat Mag-ceasefire Na Ngayon” ay isang panawagan para sa unconditional ceasefire ngayon din. Hindi kasama sa mga panawagan para sa isang unconditional ceasefire ang mga pangunahing elemento ng kapayapaan, tulad ng pagpapalaya sa mahigit sa 100 inosenteng tao, kabilang na ang mga bata, na hino-hostage ng Hamas.

    Ang isang unconditional at kaagad na ceasefire ay maaaring magandang pakinggan sa simula pero hindi ito mauuwi sa makatwiran at pangmatagalang kapayapaan na marapat na makuha ng mga Israeli at mga Palestinian. Sa katotohanan, hindi sinunod ng Hamas ang bawat ceasefire sa Israel, at tinanggihan nila ang mga alok na ceasefire kung saan kabilang ang pagpapalayag ng hostages.

    Kabilang sa isang makatwiran at pangmatagalang kapayapaan ang pagpapalaya sa hostages.

  • ANO ANG MAAARI MONG MARINIG: ANG HAMAS AY FREEDOM FIGHTERS

    Bakit ito isang problema: Ang Hamas ay itinalaga ng Canada at ng marami pang ibang mga bansa bilang isang teroristang organisasyon, nang mahigit nang 20 taon. (ilagay muli dito ang link). Ang ipinahayag na layunin ng Hamas ay ang pagwasak sa Israel at pagpatay sa mga Hudyo. Sila’y naglunsad ng libu-libong mga rocket sa Israel bago pa mn noong kakila-kilabot na atake noong Oktubre 7, habang ginagamit na human shields ang mga ordinaryong tao sa Gaza.

    Ang isang makatwiran at pangmatagalang kapayapaan ay posible lamang kung hindi na makakagawa ng pinsala ang Hamas sa mga Israeli at mga Palestinian.

  • ANO ANG MAAARI MONG MARINIG: MAY KATWIRAN ANG MGA KILOS NG HAMAS DAHIL NILALABANAN NILA ANG PANANAKOP.

    Bakit ito isang problema: Walang nagbibigay-katwiran sa sadyang pagpuntirya sa mga inosenteng karaniwang tao, kabilang na ang paggahasa, kidnapping, at pagpatay sa mga bata, mga matatanda, at buong mga pamilya na nangyari noong Oktubre 7. Ang Hamas ay humawak ng kapangyarihan noong 2007, dalawang taon pagkatapos umalis ang Israel at mga Israeli sa Gaza. Simula noon ay ginamit na ng Hamas ang bilyun-bilyong dolyares na humanitarian aid para magtayo ng imprastuktura para sa mga terorista at para pagyamanin ang kanyang mga pinuno, na naging isang malaking sakripisyo sa mga Palestinian at mga Israeli.

    Ang isang makatwiran at pangmatagalang kapayapaan ay mangangahulugang magkakaroon ng seguridad at kasaganaan ang Palestinians at Israelis.

  • ANO ANG MAAARI MONG MARINIG: HINDI AKO ANTISEMITIC; ANTIZIONIST LAMANG AKO.

    Bakit ito isang problema: Ang Zionism ay ang karapatan lamang ng mga Hudyo na magtakda ng kanilang sariling bansang ninuno at makasaysayang bayan. Ang kasaysayan ng mga Hudyo sa rehiyon ay nagmula sa mahigit sa 3,500 taon nang may patuloy na presensya simula noong ikalawang millennium Before Common Era (BCE). Ito’y mainam na argumentong ginagamit ng mga táong ayaw na magkaroon ng Israel para itago ang kanilang antisemitism.

    Kabilang sa isang makatwiran at pangmatagalang kapayapaan ang pagkilala sa karapatan ng Israel na umiral.

  • ANO ANG MAAARI MONG MARINIG: ANG ISRAEL AY ISANG APARTHEID NA BANSA.

    Bakit ito isang problema: Sa katotohanan, ang Israel ay ang kaisa-isang demokrasya sa Middle East, kung saan ang lahat ng mga mamamayan ay may pare-parehong karapatan, anuman ang kasarian, relihiyon, lahi, o sekswal na oryentasyon. Ito’y totoo para sa Arab Israelis na bumubuo sa 21% ng populasyon ng Israel. Ang apartheid ay ang kabaligtaran: ito’y isang racist at mapanubil na sistemang ginamit ng white minority ng South Africa para ipatupad ang dominasyon nito, gamit ang isang framework ng racist na lehislasyon, sa mga black at non-white na mga grupo ng lahi.

    Tulad ng ibang bansa, ang Israel ay may mga paghahamon tulad ng bias at pagiging hindi pantay-pantay sa mga institusyon at lipunan nito. Gayunman, ang maling label ng apartheid ay isa sa mga paraan kung paano sinusubukan ng mga táong hindi gawing legitimate ang existence nito at unti-unting sirain ang pag-unawa ng mga partido sa isa't-isa.

    Kabilang sa isang makatwiran at pangmatagalang kapayapaan ang pagnanais na mag-usap at magkaunawaan para malutas ang komplikadong labanan ng Israelis at Palestinians.

LAHAT TAYO AY DAPAT KUMILOS

PARA MAGKAROON NG

TUNAY NA KAPAYAPAAN

Iniimbita namin ang lahat na lumahok sa resource na ito at na ikalat ang mensahe ng Tunay na Kapayapaan Ngayon. Magtulungan tayo nang magkaroon ng makatwiran at pangmatagalang kapayapaan.

MESSAGING AT SHAREABLES

Lahat tayo ay dapat kumilos para magkaroon ng tunay na kapayapaan. Ibahagi sa iba ang messages na makahulugan sa iyo para itaguyod ang ating sama-samang pananaw na magkaroon ng isang makatwiran at pangmatagalang kapayapaan. Ang shareables ay regular na ina-update kaya bumalik sa page na ito para sa updates at karagdagang resources.

Social Squares + Series

Icons + Badges

Email Signature/Horizontal Graphics
Text-based Messaging
  • Sa isang pananaw ng tunay na kapayapaan, ang takot ay nawawala, at nagtataguyod ng isang kapaligiran kung saan ang kapwa Israelis at Palestinians at mga Hudyo at Muslim ay makakapamuhay nang hindi nawawalan ng kapanatagan.

  • Tinatanggihan ng tunay na kapayapaan ang kasuklaman, nagtataguyod ito ng pag-unawa at respeto sa iba’t-ibang mga komunidad para sa isang kinabukasan na itinatag sa pagpaparaya at co-existence dito, sa Middle East, at sa buong mundo.

  • Kapag tinanggap ang awa bilang cornerstone ng tunay na kapayapaan, kinikilala ang shared humanity ng lahat, at pinagsisikapang magkaroon ng empatiya at kabaitan.

  • Sa daan patungong pangmatagalang kapayapaan, kinakailangan ang isang lipunang may kaalaman, kung saan ang bukás na usapan at pag-unawa ay nauuwi sa mga may-kaalamang desisyon para sa isang sustainable na kinabukasan.

  • Ang tunay na kapayapaan ay higit pa sa hitsura; kinakailangan dito ang mga tunay na kilos at mga inisyatibo na nagdudulot ng positibong pagbabago para sa lahat. Ito’y nakabatay sa katotohanan at hindi sa gawa.

  • Habang pinagsisikapan nating makuha ang tunay na kapayapaan, tinatanggihan natin ang diskriminasyon at trabaho patungo sa isang kinabukasan kung saan ang mga táong may iba’t-ibang relihiyon at ethno-cultural background ay maaaring mamuhay nang sama-sama nang may respeto sa isa't-isa.

  • Pinagkakaisa ng tunay na kapayapaan ang mga komunidad, nilalampasan nito ang mga paghahati-hati, at gumagawa ito ng mga koneksyon na nagtatatag ng isang pundasyon para sa isang shared at harmonious na lipunan.

  • Sinisigurado ng isang tunay at pangmatagalang kapayapaan ang seguridad at pagiging permanente ng isang kinabukasan kung saan ang Israelis at Palestinians at ang mga Hudyo at Muslim sa buong mundo ay makakapamuhay nang matatag.

  • Maliban sa pagtigil ng pakikipag-alitan, pinapatay ng tunay na kapayapaan ang apoy ng kasuklaman at nagtataguyod ito ng reconciliation at pag-unawa ng lahat. Ang tunay na kapayapaan ay hindi nagtuturo ng kasuklaman; ito’y nagprapraktis ng kagandahang-loob.

  • Inilalarawan ng pamahalaan ng Canada ang Hamas bilang isang teroristang organisasyon. Ang mga kilos ng terorismo ay humaharang sa daan patungo sa kapayapaan, ang mga ito’y hindi kailanman maipagtatanggol at dapat sila tuligsain sa buong mundo.

  • Ang pangako ng bawat indibidwal ay ang simula para sa pagkakaroon ng tunay na kapayapaan; kinikilala nito na ang mga kilos ng bawat tao ay nag-aambag sa layunin na magkaroon ng matatag na co-existence. Ang pagtatag ng tunay na kapayapaan ay nangangailangan ng sama-samang pagsisikap ng lahat ng mga táong kalahok, at ang kilalanin ang ating sama-samang responsibilidad para magkaroon ng isang kinabukasang may pagkakasundo at pag-unawa.